Guro: Dakila Ka

Guro tunay na pangalawang magulang ng bawat mag-aaral

Katuwang ng mga magulang sa paggabay tungo magandang bukas

Nagpapanday ng mga magandang asal at mga karunungan

Tunay na na talang gabay para sa pagtaka ng magandang landas

 

Walang hinihintay na kapalit sa bawat sakripisyo

Wala siyang iniisip kundi kabutihan ng kanyang mag-aaral

Masigurong may natutunan sa buong araw ang bawat bata

Hindi matawaran ang tiyaga at dedikasyon ng isang guro

 

Guro tunay ngang dakila pagkat dunong totoong dala

Handang ilaan buong buhay pagbibigay ng liwanag

Sa bawat mag-aaral na nalilihis ng landas

Handa niyang akayin patungo sa maliwanag na bukas.

 

Guro dakilang kang tunay sa bawat batang iyong tinuruan

Tatanawing utang na loob, kadakilaan mo’y mananatili

Salamat sa mga payo’t pangaral na kumurot sa aming puso

Magsisislbing sandata at kalasag sa pagharap ng bawat hamon

  

Balang araw masusuklian din  ang bawat ng patak ng pawis

Kung makita mo mga dating estudyante nagtagumpay

Alam naming kakaibang saya ang iyong mararamdaman

Ngayon pa lang Salamat Guro, tunay kang dakila


PHOTO REFERENCE:

National Teachers’ Month. (2023, August 16). Teachers’ Month. Facebook. https://www.facebook.com/photo/?fbid=706126051544560&set=a.575470517943448